Si Gob masyadong insecure kay mayor kaya nagpatulong sa troll | Bandera

Si Gob masyadong insecure kay mayor kaya nagpatulong sa troll

Den Macaranas - April 28, 2020 - 04:58 PM

LUMUTANG ang pagka-insecure ng isang gobernador sa gitna ng problema kaugnay sa Covid-19.

Si Gob ay mula sa isang malaking lalawigan sa Luzon na kilala bilang isang agricultural province.

Kamakailan ay muli niyang binuhay ang kanyang troll farm para sirain ang pangalan ng isang batang alkalde sa kanilang lalawigan.

Sa gitna kasi ng problema kaugnay sa Covid-19 pandemic ay nagpakita ng kahusayan si Mayor E. sa pamamagitan ng mabilis na pagtulong sa kanyang nasasakupan.

Dinaig ni Mayor ang diskarte ni Gob na kilalang kapit-tuko sa pwesto dahil sila lang ng kanyang misis ang nagpapalitan sa posisyon bilang pinuno ng lalawigan.

Habang abala si Mayor sa pagtulong sa kanyang mga constituents ay abala naman si Gob sa pagbuo ng taktika kung paano sisiraan ang alkalde.

Kabilang sa mga sangkot sa madilim na plano ni Gob ay ang ilang tiwaling local mediamen sa kanilang lugar at ilang mga keyboard warriors.

Sinabi ng aking cricket na hindi nagustuhan ni Gob ang paglutang ng pangalan ni Mayor bilang posibleng kandidato sa pagkagobernador sa susunod na halalan.

Malinaw ayon sa aking cricket na ito ay patunay lamang kung gaano ka-insecure si Gob sa ipinapakitang performance ng naturang alkalde.

Matagal na rin naman sa pwesto si Gob pero ilang beses na rin itong natalo sa mga nakalipas na halalan na patunay lamang na medyo umay na rin sa kanyang pamamahala ang mga residente sa kanilang lalawigan.

Ang gobernador na bida sa ating kwento ngayong araw ay si Mr. O….as in Orbit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantalang ang alkalde naman na hinahangaan lalo na sa social media ay si Mayor E…as in Excellent.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending