BB Gandanghari kay Carmina: I can't say that we're friends pero... | Bandera

BB Gandanghari kay Carmina: I can’t say that we’re friends pero…

Ervin Santiago |April 27,2020
facebook
share this

BB Gandanghari kay Carmina: I can’t say that we’re friends pero…

Ervin Santiago - April 27, 2020 - 02:40 PM

NA-MEET na ni BB Gandanghari ang kambal na anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Nangyari raw ito nang magkita-kita sila sa isang gym sa The Grove by Rockwell sa E. Rodriguez Avenue, Pasig City ilang taon na ang nakararaan.

Naikuwento ito ni BB nang may netizen na nagtanong sa Instagram Live session niya kamakailan tungkol sa status ng friendship nila ni Carmina.

Alam naman ng lahat na bago siya maging BB Gandanghari ay nakilala muna siya bilang si Rustom Padilla na ikinasal kay Carmina Villarroel noong 1994 pero naghiwalay din noong 1997. Taong 2002 nang maaprubahan ang kanilang divorce.

Tanong ng IG follower ni BB, kung “in good terms” ba sila ni Carmina hanggang ngayon. 

Pahayag ni BB, “Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin na ‘in good terms’ but, we’re definitely not in bad terms.

“The last time I saw her, we were very civil and cordial. In fact, they (Carmina at Zoren Legaspi) were very nice to me.

“Ipinakilala nila sa akin ‘yung mga anak nila but it was a simple ‘hi’ and ‘hello,’” sey pa ng BB na ang tinutukoy nga ay ang kambal na sina assy at Mavy.

Sa sumunod na IG Live ng kapatid ni Robin Padilla, isang viewer uli ang nagtanog ng, “Curious lang po. Are you friends with Carmina?”

Reply ni BB, “I spoke about this yesterday. I can’t say that we’re friends kasi we haven’t talked in a long time to rediscover each other in that sense.”

May isa namang nagkomento na kahit naghiwalay na sila ni Carmina, never siyang siniraan ng aktres sa mga interview.

“That’s why I know. I guess that’s the mutual respect between the two of us na in itself is a blessing from God,” sagot naman ni BB.

Kung matatandaan, naikuwento na rin ni Carmina ang aksidenteng pagkikita nila ni BB sa gym ng isang building, “Doon ako nagdyi-gym and, apparently, doon din pala siya nagre-rent.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, nagkita kami sa gym, kasama ko ang kambal, pati si Zoren. Kay Zoren, wala namang problema dahil nagka-work na sila together, so mas sila ang nagkaka-chikahan.

“’Tapos, ‘Uy, si Carmina nandiyan.’ Lumapit siya sa akin, hi and hello lang. Wala… parang ano lang, old friends. Parang lahat happy,” chika pa ni Carmina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending