Ilang lugar sa Cavite, Bulacan, Pampanga walang kuryente
ASAHAN na mas marami pang ulo ang iinit ngayong tag-init sa nakatakdang pagkawala pansamantala ng serbisyo ng kuryente sa Cavite, Bulacan at Pampanga sa susunod na linggo.
Ayon sa Meralco, ang power interruption ay bunsod ng mga maintenance work.
Cavite (Ternate, Maragondon, at Naic)
Abril 30
Sa pagitan ng alas-9 at alas-9:30 ng umaga at sa pagitan ng alas-3:01 at alas-3:30 ng hapon.
*Bahagi ng Dr. C. Nuñez st., Bgy. Labac sa Naic hanggang sa mga barangay ng Pinagsanhan 1-A & 1-B sa Maragondon; mga barangay ng Bucana, Poblacion, San Jose, San Juan I & II at Sapang I & II sa Ternate
Bulacan, Pampanga
(Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, at San Miguel sa Bulacan at Cabdaba sa Pampanga)
Abril 29-30
Sa pagitan ng alas-11:30 at 11:59 ng gabi (Miyerkoles) at sa pagitan ng alas-7:01 at 7:45 ng Umaga (Huwebes)
*Bahagi ng Cagayan Valley Road mula Bgy. Maasim, San Ildefonso, Bulacan hanggang Batasan-Salapungan National Road; mga barangay ng Antayam, Calasag, Calawitan, Garlang, Lapnit, Maasim, Makapilapil, Malipampang, Mataas Na Parang, Nabaong Garlang, Matimbubong, Pulong Tamo, San Juan, Sapang Putol, Sta. Catalina Bata, Sta. Catalina Matanda, Telepatio, Salangan at Poblacion ng San Ildefonso; Brgy. Sapang Putol sa San Ildefonso rin; at mga barangay ng Paliwasan, Salangan at Sta. Rita Matanda sa San Miguel.
*Bahagi ng M. Valte Road (San Ildefonso-DRT Municipal Road) mula Cagayan Valley Road kasama ang mga barangay ng Sapang Bulak, Kalawakan at Camachin sa Doña Remedios Trinidad; mga barangay ng Akle, Alagao, Bagong Barrio, Basuit, Bubulong Malaki, Bubulong Munti, Bulusukan, Casalat, Gabihan, Palapala, Pasong Bangkal, Pinaod, Sapang Dayap, Sapang Putik, Sapang Putol, Sta. Catalina Bata, Sta. Catalina Matanda, Sumandig, Umpucan at Upig sa San Ildefonso.
*Bahagi ng Batasan-Salapungan National Road mula Bgy. Poblacion, San Miguel hanggang sa mga barangay ng Barangka, Lourdes, Magumbali, Mapanique, Mandile, Magumbali, Lourdes at Salapungan sa Candaba, Pampanga; at mga barangay ng Batasan Bata, Batasan Matanda at San Agustin sa San Miguel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.