Barangay tanod nandaya ng SAC, timbog | Bandera

Barangay tanod nandaya ng SAC, timbog

Djan Magbanua - April 26, 2020 - 02:35 PM

HULI, kulong at tinanggal na sa pwesto ang isang barangay tanod na nanloloko sa proseso ng social amelioration card sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, may mga nataggap siyang balitang may empleyado ng isang barangay sa Gen. T. de Leon ang nanloloko sa proseso ng SAC.

Ang SAC ay dokumento na sasagutan ng mga mamamayan para matiyak ng Department of Social Welfare and Development kung sila ay pasok sa dapat mabigyan ng ayuda ng gobyerno.

Nagsagawa ng operasyon si Gatchalian sa tulong ng barangay captain para mahuli ang nakilalang isang barangay tanod.

Ayon kay Gatchalian, sa ilalim ng SAC rules ng DSWD, maaari namang mag-fill up ang mga katulad ng nahuli kaya lang inihiwalay daw nito ang application form ng kanyang asawa na hindi pwedeng gawin

Tinanggal na siya sa kanyang position at nahaharap sa kaso.

“So yan na ang taga Gen. T. Na niloko ang sap na process kanina. Kulong, kaso tanggal sa trabaho. Conduct unbecoming. So if gusto niyo tumulad subukan niyo. May space pa sa kulungan para sa mga mapansamantala na katulad niya.” babala ni Gatchalian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending