TINATAYANG 30 bahay ang nasunog sa Maynila kanina.
Ayon ulat na natanggap ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region nagsimula ang sunog alas-6:14 ng umaga sa ikatlong palapag ng bahay ni Rey Bucacao sa Juan Luna st., Brgy. 60 Zone 5, Tondo.
Gawa umano sa light materials ang bahay kaya kumalat agad sa ibang kabahayan ang sunog.
Naapula ang apoy alas-6:58 ng umaga. Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog.
Walang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente. Tinatayang P300,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending