IMINUNGKAHI ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran na isailalim sa comprehensive psychological training ang mga pulis upang matuto ang mga ito na humarap sa sitwasyon gaya ng insidente kung saan napatay ng pulis si Private First Class Winston Ragos na may problema sa pag-iisip.
Ayon kay House Assistant Majority Leader Taduran maaaring naiwasan ang pagkamatay ni Ragos kung may sapat na kasanayan si Police Master Sgt. Daniel Florendo Jr., sa paghawak ng taong may mental health problem.
“Maximum tolerance should have been observed in dealing with violators of the enhanced community quarantine especially at this time when everyone’s getting agitated and depressed because of the uncertainty of the Covid-19 situation,” ani Taduran.
Kung papanoorin ang video ay mapapansin umano na mayroong problema sa pag-iisip si Ragos na pumunta sa quarantine control point at pinagsisigawan umano ang mga pulis doon.
Ayon kay Taduran malinaw sa ilalim ng Mental Health Act (RA 11036) na pinoproteksyunan ang mga tao na may problema sa pag-iisip.
“Maybe it’s time to look at the Philippine Mental Health Act because it does not cover how law enforcers should deal with people who are suffering from mental illness,” dagdag pa ni Taduran.
Si Ragos ay sumabak sa gera sa Mindanao at nagkaroon umano ng post traumatic stress disorder at schizophrenia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.