Heart nagalit sa driver na nakapatay ng aso: Hayop sila? Hayop ka rin!
NAG-INIT ang ulo ni Heart Evangelista nang mabalitaan ang pagkamatay ng isang aso na nasagasaan ng isang sasakyan.
Apektado nang bonggang-bongga ang Kapuso actress na isa ring kilalang animals rights advocate nang makita ang sinapit ng kawawang aso na biktima ng “hit and run.”
Ni-repost ni Heart sa Twitter ang Facebook status ng isang pet owner na si Janica Ruzzel Felipe tungkol sa nangyari sa kanyang alaga. Masamang-masama ang loob niya dahil hindi man lang daw tumigil ang sasakyang nakabangga sa aso.
“My poor 8 months old baby pug just died today. Me hearing this… ‘tumalsik na, ginulungan pa’ sobrang sakit!!!!
“Yung pinaghirapan at pinag ipunan nyong dream dog. masagasan ng taong walang puso!” unang pahayag ni Janica.
“Paano pala kung tao ang nasagasaan mo o isa sa inyo at tinakbuhan kayo what would you feel kuya? Ayaw mo pang maniwala na may ganung kamahal na aso. Kahit ipa brgy ka pa ha?
“Sige let’s see how many times we’ll meet. Not with me kuya. Taga mo yan sa Adventure mong gumulong sa aso ko,” mensahe ng may-ari ng namatay na aso.
Ito naman ang umano’y sagot ng taong nakasagasa sa aso, “Hindi ko babayaran o papalitan yan kasi kasalanan ng aso mo.”
Ayon naman kay Heart, na isa ring ambassador ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society) at nag-aalaga rin ng mga aso, hindi makatarungan ang ginawa ng driver ng sasakyan na nakasagasa sa kawawang hayop.
Tweet ng Kapuso star, “It all starts with how you treat the ones who can’t defend themselves like animals. Hayop sila? Hayop ka din.
“Just because it’s common to see dogs all over doesn’t mean they are just ‘things’. Umiinit ulo ko dito kay kuya ha. @PAWSPhilippines,” mensahe pa ng misis ni Chiz Escudero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.