Sharon: Alam ni Lord never akong nag-drugs o naging party girl!  | Bandera

Sharon: Alam ni Lord never akong nag-drugs o naging party girl! 

Ervin Santiago - April 26, 2020 - 08:46 AM

SHARON CUNETA

SUMUSUMPA si Megastar Sharon Cuneta na never siyang nalulong sa masamang bisyo, tulad ng alak, droga, kahit na noong napakarami niyang problema sa buhay.

Napapanahon ang bagong hugot ni Mega patungkol sa kanyang personal life lalo na ngayong panahon ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Naikuwento ng singer-actress sa kanyang Instagram account ang tungkol sa classic film niya noong 1987 na “Pasan Ko Ang Daigdig” ba kinunan sa Smokey Mountain sa Tondo. Literal siyang nagpagulung-gulong sa bundok ng basura sa isang eksena niya sa pelikula.

Ito rin yung panahong naghiwalay na sila ng kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion. Aniya, sa kabila ng mga problema niya sa kanyang personal life, hindi siya nagrebelde o gumawa ng desisyon na ikasisira niya.

Isa sa mga ginawa niya para maka-move on agad ay ang magtrabaho nang magtrabaho. Dito nga naikuwento ng Megastar ang mga hindi niya malilimutang karanasan habang ginagawa ang “Pasan Ko Ang Daigdig”.

Nag-post pa siya sa Instagram ng video clip ng behind-the-scenes ng pelikula at ibinahagi kung gaano kahirap mag-shooting sa bundok ng basura. Pinatunayan niya rito ang kanyang professionalism dahil lahat ng inutos sa kanya ng kanilang direktor na si Lino Brocka ay ginawa niya.

Lahad ng Megastar, “Hindi talaga ako maarte. Walang tanong-tanong basta di ko ikamamatay! Hahaha!

“Masunurin talaga akong bata noon pa. Two weeks na kami hiwalay ni Gab chaka lang nalaman ni Direk kasi nakasabay ko sa elevator ng condong inupahan namin ni KC si Boy C. de Guia (talent manager) na friend ni Lino! Kundi, wala pang makakaalam,” kuwento pa ng nanay ni KC Concepcion.

Pagpapatuloy pa niya, “I used my work as my main distraction and focused all my energy into my job.

“Always arrived on time or earlier. Never acted depressed- I suppressed my depression! Hahaha!

“I am still so the same until now. Pag may personal na problema, WORK! Pero nadagdagan na ng isa pa pa-LIPAD! BAKASYON! LUMAYO!!!

“Huwag papatalo sa problema. Lilipas din lahat ng paghihirap ng puso at buhay. Proven ko na yan,” chika pa ni Sharon.

“Dasal at tiwala sa Diyos. At i-focus ang energies sa positibong bagay na makakatulong sa buhay mo, di makakasira.

“Kaya NEVER – alam ni Lord – akong nagdrugs, o uminom ng alak o naging party girl! Never been self-destructive.

 “No person in the world is worth destroying yourself for! Remember that. Love yourself.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Para may love kang mabigay sa iba. You cannot love with an empty heart! [heart emoji],” pahayag pa ng Kapamilya actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending