HINILING ni Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pagkakapatay ng pulis sa isang dating kawal sa Quezon City.
Nagpadala si Gapay ng liham kay NBI Director Eric Distor para hilingin ang imbestigasyon sa pagkakapatay kay retired Cpl. Winston Ragos, sabi ni Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng Army.
Ayon kay Zagala, tila kasi na magkakaiba ang sinasabi ng mga pulis na nandoon nang maganap ang insidente, mga saksi, at mga kumakalat na “materials” gaya ng CCTV footages.
“Apparent prejudgement by police investigators moved the Army to seek help from the NBI so that justice may be served for Ragos and his family.”
Iginiit naman ni Gapay na pinangangalagaan lang nito ang mga kawal na aktibo, o retirado mang gaya ni Ragos na may sakit sa pag-iisip dulot ng trauma sa pakikipaglaban.
“What happened to Cpl. Ragos was an unfortunate, but avoidable event. Let his death serve as an awakening on the plight of other soldiers who are being plagued by the traumas of war,” aniya.
Kaugnay nito, inutos ni Gapay ang pagtunton sa iba pang sundalo na maaaring dumadanas ng kondisyong kagaya ng kay Ragos, para mabigyan ng karampatang ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.