Ivana Alawi kumikita ng P1M per day sa YouTube?  | Bandera

Ivana Alawi kumikita ng P1M per day sa YouTube? 

Ervin Santiago - April 24, 2020 - 05:53 PM

P1 million a day!? Yan daw ang kinikita ng Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel.

Isa si Ivana sa mga local celebrities na may milyun-milyong subscribers sa YouTube kaya raw milyones din ang kinikita niya mula sa kanyang mga vlogs.

Pero totoo nga ba na P1 million kada araw ang binabayaran sa kanya ng YouTube dahil milyun-milyon din ang hinahakot na views ng mga videos na ina-upload niya sa YT.

Sa latest vlog ni Ivana, sinagot niya ang tungkol sa kinikita niya sa YouTube. Nagpaliwanag din dito ang kapatid niyang child star na si Mona Louise Rey.

“Ang kinikita ko lang 6 digits. Hindi ‘yun totoo na parang kumikita ka ng 1 million per day. Pangalawa hindi ako sumali sa YouTube para kumita,” paliwanag ni Ivana.

Sey naman ng younger sister niyang si Mona, maraming factors na kino-consider ang YouTube bago ka nila bayaran.

“Hindi naman totoo ‘yung sinasabi nila na every 1 million views kikita ka ng this amount. Hindi siya ganon. Per ad siya, per view, kung gaano katagal pinapanod ng tao, alin ‘yung ad, kung magcli-click,” esplika ni Mona.

“Patience rin kasi sa YouTube kaya kapag sumali ka sa pera, I don’t know, I think huwag na lang,” dagdag ng bagets.

Samantala, sinabi rin ni Ivana na hindi pa niya ginagalaw o ginagastos ang kinikita niya sa YouTube mula nang mag-vlog siya.

“Hindi ko ‘yun nagagastos kahit piso kasi pambili ko ‘yun ng bahay ni mama,” lahad pa ng Kapamilya sexy actress.

Sa ngayon, mahigit 6 million na ang subscribers ni Ivana sa YouTube kung saan ang pinaka-most viewed pa rin sa mga vlogs niya ay ang “A Day in my Life” na meron nang more than 20 million views.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending