World Slasher Cup hindi matutuloy sa Mayo 18-24 | Bandera

World Slasher Cup hindi matutuloy sa Mayo 18-24

Frederick Nasiad - April 24, 2020 - 04:57 PM

Hindi na matutuloy sa Mayo 18-24 ang 2020 World Slasher Cup 2 International 9-Cock Derby.

Ito ay matapos na bawiin ni Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang permit ng tinaguriang “Olympics of Cockfighting” na nakatakda sanang gawin sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpadala si Mitra ng liham kay Araneta Coliseum chief operating officer Irene Jose Biyernes, Abril 24, kung saan inabisuhan nitong ipagpaliban na muna ang pagsasagawa ng World Slasher Cup bunga ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Biyernes ng umaga ay inaunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa ECQ hanggang sa Mayo 15 sa ilang lugar sa bansa kabilang na ang Metro Manila.

“We regret to inform you that due to the extension of Enhanced Community Quarantine in the National Capital Region,the GAB has decided to withdraw the derby permit it previously issued as regards to the holding of the World Slasher Cup International Derby at the Araneta Coliseum as scheduled on May 18-24,” ayon sa sulat ni Mitra.

Ayon kay Mitra, tatalima sa derektiba ng pangulo ang pamunuan ng World Slasher Cup at kung umayos na ang sitwasyon bunga ng COVID-19 ay itutuloy na lamang ang naturang derby sa ikatlong linggo ng Hunyo.

Samantala, ikinalugod ni Mitra ang suportang ibinigay ng malalaking organisayon at asosasyon sa sabong sa buong Pilipinas na pansamantalang itigil ang anumang operasyon ng sabong bilang pagtalima sa ‘social distancing’ para malaman ang hawaan sa COVID-19.

Kabilang sa nagbigay ng suporta sa GAB ang International Federation of Gamefowl Breeders Association (FIGBA), Inc. at ang Pambasang Federation ng Gamefowl Breeders (DIGMAAN) Inc. na pinamumunuan ni Wilson C.P. Ong.

Iniutos din ni Mitra ang pag-bawal kina Ronnie Ignacio at Christoper Fernandez na makapasok sa lahat ng lehitimong sabungan sa Pilipinas.

Kabilang ang dalawa sa mga nadakip ng kapulisan na ilegal na nagpatupada sa kasagsagan ng ECQ at lumabag sa ‘Bayanihan Act’.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending