Ate Gay, Betong: Ito lang po ang ambag namin para sa ating frontliners... | Bandera

Ate Gay, Betong: Ito lang po ang ambag namin para sa ating frontliners…

Ervin Santiago - April 24, 2020 - 10:32 AM

HINDI man makapagbigay ng medical supplies o malaking donasyon para sa mga apektado ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic, may munting regalo pa rin sina Ate Gay at Betong Sumaya sa mga Pinoy.

Sinisiguro ng mga komedyanteng sina Betong at Ate Gay na walang malulungkot sa panahon ngayon ng krisis.

 Tuloy pa rin ang paghahatid nila ng good vibes sa kanilang social media accounts kahit na nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang bansa. 

Ibinahagi ng dalawang comedian ang importansya ng pagpapasaya ng kapwa lalo pa at may mabigat na kinakaharap ang buong mundo.

Patok na patok kasi sa netizens ang mga kuwela at nakakatawang paandar nila na kahit paano’y nagsisilbing gamot sa mga nalulungkot na Pinoy.

“Kumbaga, ito lang ang ambag ko para sa ating mga frontliner, mga tao sa bahay na nababagot,” ani Ate Gay. 

Ginaganahan din daw siya sa mga positibong komento ng netizens sa kanyang videos, “Kaya ginaganahan din akong gumawa ng mga video na masaya kasi maraming nagko-comment na maganda naman. 

“‘Yun naman ang balik sa aming mga komedyante na nakakabasa kami ng mga magagandang komento. Thank you,” aniya  pa.

Para naman sa Centerstage host na si Betong, isa ang pagpapatawa sa mga tulong na kaya niyang ipinaaabot lalo na sa mga OFWs na nag-aalala sa kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas.

“Alam ko na hindi solusyon na palagi mo silang patatawanin pero malaking bagay din na kahit paano nada-divert mo ‘yung problema nila,” aniya.

Nabanggit din niyang karamihan umano sa kanyang mga tagapanood ay mga OFW, “Ang dami rin palang nagugutom sa kanila. Hindi makalabas and at the same time, hindi nila napaghandaan nang husto. Tapos ‘yung iba, nawalan ng trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“’Yung iba gusto nang umuwi sa Pilipinas kaya lang, wala namang flights na available,” pagbabahagi pa ng komedyante.

Upang mas lumaganap ang good vibes, inilabas na rin ng GMA Music ang novelty song ni Betong na “Nang Minahal Mo ang Mahal Ko.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending