Bitoy kakampi ni Tito Sen sa hashtag #HelpingWithoutPosting
PARA kay Kapuso comedian Michael V, mas okay pa rin kung hindi na ipo-post sa social media ang ginagawang pagtulong ngayong may health crisis sa bansa.
Ayon kay Bitoy, hangga’t maaari ay tumulong sa mga ngangailangan nang hindi na ibinabandera o nagpapakilala pa lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ng artcard ang TV host-comedian na may nakasulat na ANONYMOUS. Makikita rin dito ang isang taong naka-face mask at shades.
Caption ni Bitoy, “NOW is the PERFECT time to HELP out ANONYMOUSLY.
“Feed the people. Not the ego.” Nilagyan pa niya ito ng hashtag #HelpingWithoutPosting.
Maraming netizens at celebrities ang um-agree at nag-comment ng thumbs up emojis sa IG post ni Bitoy kabilang na sina Kim Domingo, John Feir, Lovely Abella at Chanda Romero.
Pero siyempre, meron ding kumontra sa komedyante na nagsabing walang masama kung ibandera man ng isang tao ang ginagawang pagtulong kung sincere naman ito at taos sa puso.
Komento ng isang follower ni Bitoy, “If you can post food, your expensive things, your artwork, anything that makes you feel empowered and inspired in socmed, why not post helping people and make it a norm?”
“May maidudulot pa rin na maganda ang pag-post, para gayahin, at least ginaya pati pagtulong,” sabi ng isa pa.
Kamakailan, nag-post din si Sen. Tito Sotto sa kanyang Instagram tungkol dito. Hindi rin siya pabor sa pagpo-post ng pagtulong sa social media.
“My John Wooden amended version – if you want to feed the hungry, then feed the hungry. But the moment you post it on social media, you are only feeding your ego!” post ni Tito Sen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.