PhilHealth sagot lahat ng gastos ni ex-sen. Alvarez
BABAYARAN ng Philippine Health Insurance Corp., ang lahat ng gastos sa ospital ni dating Sen. Heherson Alvarez.
Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo nagpalabas ng paglilinaw ang anak ng dating senador kaugnay ng hospital bill ng ama at ina nito.
Umabot umano sa P7 milyon ang gastos ng mag-asawa sa ospital at hindi gaya ng naunang napaulat na P8 milyon ang bill ng senador pa lamang.
“Since they were confined I think around March 7 pasok po siya doon sa PhilHealth policy that within February 1 to March 14 ay full payment po ang babayaran natin, therefore in this case full payment talaga ang babayaran natin sa mga hospital bills ni ex-Sen. Alvarez,” ani Domingo.
Naglabas ang PhilHealth ng packages para sa COVID-19 matapos ang Marso 14.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.