Pinakamataas na temperatura naitala sa Isabela
NAITALA sa Isabela ang pinakamataas na temperatura sa bansa ngayong araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naitala ang 38.4 degrees Celsius sa Echague, Isabela.
Sumunod naman ang Tuguegaro City sa Cagayan na 38.2 degrees Celsius.
Pangatlo ang Camiling, Tarlac (38.1 degrees Celsius), San Jose, Occidental Mindoro (37.8 degrees Celsius) at Cotabato City (37.5 degrees Celsius).
Naitala naman sa Quezon City ang 35.2 degrees Celsius. Ang heat index o alinsangang nararamdaman ng katawan ay 39 degrees Celsius mas mababa kumpara sa 42 degrees Celsius na naitala kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.