P300K shabu nakumpiska, 15 huli sa drug war | Bandera

P300K shabu nakumpiska, 15 huli sa drug war

Leifbilly Begas - April 23, 2020 - 01:57 PM

MAHIGIT sa P312,000 halaga ng shabu at 15 ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Quezon City.

Naaresto ng Galas Police si Luisito Ramos, 49, alas-5:15 ng hapon kahapon sa Room 709 ng Reddoorz condominium sa E. Rodriguez Ave., Brgy. Tatalon matapos umanong makabili ng P30,000 halaga ng shabu ang isang poseur buyer.

Nang maaresto ay nasamsam pa umano sa kanya ang P172,000 halaga ng shabu.

Nahuli naman ng Fairview Police sina Evelyn Perez, 26, Marieta Parong, 59, Richard Cruz, 28, Dantly Nerval, 30, at Jennylyn Manaois, 31, alas-10 ng gabi sa Chestnut st., Brgy. Greater Fairview. Nasamsam umano sa kanila ang P54,400 halaga ng shabu.

Sa isa pang buybust operation ng Fairview Police ay nahuli naman sina Eric Alberto, 40, Cherilyn Magbanua, 39, at Lawrence Mañalac, 38, ng Anapolis st., Cubao, alas-10:30 kagabi sa Austin st., Brgy. Greater Fairview. Narekober umano sa kanila ang P47,600 halaga ng shabu.

Naaresto naman ng Project 4 Police sina Romeo De Guzman, 41, Arnel Naco, 39, Keith John Parcon, 23, Dennis Garcia, 25, at Vanessa Fortin, 35, alas-10:30 kagabi sa Aurora Blvd., kanto ng 15th Ave., Brgy. Silangan, Cubao. Narekober umano sa kanila ang P24,500 halaga ng shabu.

Nasakote naman ng Kamuning Police si Ronald Navoa, 26, alas-5:40 ng hapon kahapon sa kanto ng Magnolia st., at Scout Chuatoco, Brgy. Roxas District. Narekober umano sa kanya ang P13,600 halaga ng shabu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending