Ex-Army patay sa pulis | Bandera

Ex-Army patay sa pulis

Leifbilly Begas - April 22, 2020 - 07:50 PM

PATAY ang isang dating sundalo ng pumalag umano nang pauwiin ng mga pulis na nakatalaga sa quarantine control point sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Winston Ragos, 34, dating miyembro ng Philippine Army.

Sumuko naman si Police Master Sergeant Daniel Florendo Jr., nakatalaga sa Fairview Police Station na sumasailalim sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit at District Internal Affairs Service.

Isinuko rin ni Florendo ang kanyang service firearm.

Ayon sa ulat ng pulisya alas-2:30 ng hapon kahapon ay nagbabantay si Florendo at apat na police trainee sa Maligaya Drive Brgy. Pasong Putik nang dumating umano ang nasawi.

Nagsisigaw umano ito kaya sinabihan ng mga bantay na umuwi. Nilalabag umano nito ang Enhanced Community Quarantine.

Hindi umano pinansin ng nasawi ang pagpapauwi sa kanya at nagpakilala na dating sundalo.

Pinasusuko umano ng mga bantay ang nasawi pero tinangka umano nitong bunutin ang baril na nasa kanyang bag.

Pinutukan umano Florendo si Ragos na dinala sa Commonwealth Hospital. Siya ay binawian ng buhay alas-5:57 ng hapon.

Narekober sa bag ng nasawi ang isang kalibre .38 revolver Smith and Wesson na may apat na bala at walang serial number.  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending