Hospital bill ni dating Sen. Alvarez umabot ng P8M
UMABOT sa P8 milyon ang gastos sa ospital ni dating Sen. Heherson Alvarez na mahigit isang buwan sa ospital bago pumanaw sa coronavirus disease 2019 kahapon.
Sa panayam sa radyo ng kanyang anak na si Hexilon Alvarez inamin nito na nahihirapan sila sa bayarin sa ospital lalo at sabay na ipinasok sa ospital ang kanyang ama at ina.
“Rough estimate is over P8 million,” saad ng nakababatang Alvarez. “‘Yung gastos. Napakalaki. Kahit kami ay nahirapan po sa gastos. Hindi rin naman po kami saksakan ng may pera.”
“Pero nagbabakasakali kami baka ma-reimburse kami ng PhilHealth dahil napakalaki po ng gastos. Sabay pa silang napasok. Hindi namin napaghandaan.”
Ipinasok sa ospital ang dating senador at ang kanyang misis na si Cecile Guidote-Alvarez na ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan.
Bukod sa gastos, isa umanong masakit sa kanilang pamilya na hindi man lamang madalaw ang mga ito sa ospital dahil nakakahawa ang COVID-19.
Umapela rin si Hexilon sa publiko na huwag balewalain ang sakit.
“Seryosohin po natin ang COVID-19. Hindi ito biro. Traydor to na sakit, hindi dapat ito ginagawang ano na parang wala lang.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.