MAHIGIT sa 16,000 Pinoy seafarers na ang umuwi sa bansa dahil sa coronavirus disease 2019, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Kanina ay 571 Filipino crew ng Norwegian Breakaway ang dumating sa bansa mula sa Orlando, Florida.
Sumailalim ang mga repatriates sa health inspection ng Bureau of Quarantine (BoQ). Sila ay sasailalim din sa 14-day facility based quarantine ng Department of Health (DOH).
Ang Norwegian Cruise Lines ang nagbayad sa eruplano ng mga umuuwing OFW at ang CF Sharp, ang local manning agency ng Norwegian Breakaway, ang gumastos sa land transportation ng mga repatriates papunta sa quarantine facilities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.