Matteo, Sarah nakiusap sa mga Cebuano: Please, makinig kayo sa gobyerno | Bandera

Matteo, Sarah nakiusap sa mga Cebuano: Please, makinig kayo sa gobyerno

Ervin Santiago - April 19, 2020 - 12:23 PM

Sarah-Matteo

NAKIUSAP ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa mga Cebuano na sundin ang lahat ng kautusan ng pamahalaan sa ipinatutupad na lockdown sa bansa.

Ito’y matapos mabalita na tumataas ang bilang ng COVID-case sa ilang bahagi ng Cebu sa kabila ng pinaiiral na community quarantine doon.

Sa Instagram page ni Matteo, nagpaalala ang aktor at ang kanyang misis na si Sarah na mas maging maingat ngayon para maiwasan ang paglala ng sitwasyon sa kanilang probinsya.

“Please stay home and safe. Sending out our love and prayers to all the cebuanos! And please listen to the authorities. God bless us all,” ang caption ng singer-actor sa ipinost niyang video message sa IG.

Narito ang ilang bahagi ng panawagan ni Matteo sa mga kapwa niya Cebuano.

“Nakit-an namo ang inyong COVID-19 number nagsaka na so Sarah and I are praying for each and everyone of you to please stay safe and please maminaw mo tanan sa gobyerno. 

“Kung lockdown, lockdown, kung diha lang mo sa balay, diha lang mo sa balay,” aniya sa Bisaya.

Dagdag pa niya, “Palihog lang please keep safe, wash your hands all the time. Please practice social distancing para dili na musaka ang number of cases diha sa Cebu, palihog lang.” 

Para sa mga hindi naka-gets sa sinabi ng asawa ni Sarah, narito ang translation ng kanyang naging pahayag.

“Nakita namin na tumaas ang number ng COVID-19 diyan so Sarah and I are praying for each and everyone of you to please stay safe and please makinig kayo sa gobyerno. 

“Kung lockdown, lockdown. Kung dapat diyan lang kayo sa bahay, diyan lang kayo sa bahay.

“Pakiusap lang, please keep safe, wash your hands all the time. Please practice social distancing para hindi na tumaas ang number of cases diyan sa Cebu, pakiusap lang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy ang ginagawang pagtulong nina Matteo at Sarah sa mga naapektuhan ng lockdown pati na sa mga frontliners. Tagumpay ang fundraiser nilang “One Voice Pilipinas” online concert na sinuportahan ng mga kaibigan nila sa showbiz industry.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending