Pasyente tumakas sa ospital; kapitbahay nag-panic | Bandera

Pasyente tumakas sa ospital; kapitbahay nag-panic

- April 18, 2020 - 03:33 PM

NATARANTA ang mga residente sa barangay sa Calamba City makaraang malaman na tumakas ang isang kapitbahay nila mula sa ospital, sa pangamba na maghahasik ito COVID-19 sa kanilang lugar.

Pinayapa naman sila ng pulisya at sinabing hindi na-confine si Christoffer Manara, 40, dahil sa nasabing sakit.

Paliwanag ng mga opisyal na na-admit si Manara sa St. James Hospital noong Abril 9 dahil sa mataas na presyon “and not for any of the symptoms related to COVID-19.”

Idinagdag ng pulisya na binigyan ng

discharge order ng mga doktor si Manara kinabukasan.

Pero sinabi ni Lt. Col. Eugene Orate, hrpe ng Calamba City Police, na hindi agad nakapagbayad ng kanyang hospital bills si Manara.

“He tried issuing a check but the hospital wanted him to submit some other collateral like (vehicle records) or property title,” ani Orate.

Hindi naman iniulat kung magkano ang bayarin ni Manara.

Nakalabas umano ng ospital ang pasyente gamit ang watcher’s pass noong Abril 11.

Agad namang iniulat ang pangyayari sa pulisya.  Nakausap na ng mga otoridad ang pamilya ni Omara, na nangakong babayaran agad ang bill.

“It was a case of misunderstanding,” ani Orate, na nakiusap sa publiko na huwag magpakalat ng mga di-beripikadong impormasyon. –Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending