Safety precaution sa quarantine ships dinagdagan
NAGSASAGAWA ng dagdag na safety precautionary measure ang 2Go Shipping para maiwasan na kumalat ang coronavirus disease sa mga quarantine ships kung saan dinadala ang mga umuuwing Overseas Filipino Workers.
Kada 30 minuto ay nagsasagawa ng sanitation sa mga bagay na madalas hawakan gaya ng handrails, doorknobs, tabletops at counters gamit ang 100 parts per million chlorine solution.
Gayundin sa mga common toilets.
Kada oras ay nagsasagawa naman ng paglilinis sa mga public areas gaya ng dining halls, front desk, at quikmart.
Dalawang beses naman nagiikot ang mga doktor/ medical staff upang tignan ang mga repatriates.
Lingguhan naman isasagawa ang pest control treatment sa barko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.