NBA, players union nagkasundo sa bawas sweldo | Bandera

NBA, players union nagkasundo sa bawas sweldo

- , April 18, 2020 - 10:52 AM

 

NAGKASUNDO ang National Basketball Association (NBA) at players union sa planong bawasan ang binabayad sa mga manlalaro nito kung tuluyang makansela ang lahat ng mga laro ng liga bunga ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Ito ay matapos sabihin ni NBA commissioner Adam Silver ngayong Sabado na hindi pa malinaw kung kailan makakapagsimulang muli ang liga.

Sinabi ni Silver, sa panayam ng mga reporters sa isang conference call bago ang pagbubukas sana ng NBA playoffs, na hindi pa handa ang liga na magtakda ng petsa kung hanggang kailan ito maghihintay bago tuluyang ikansela ang season.

“Everything is on the table, including potentially delaying the start of next season,” sabi ni Silver, ayon sa Miami Herald. “We are not in position to make any decisions, and it’s unclear when we will be.

“We still don’t have enough information to make a decision.”

Nagsalita si Silver matapos kumpirmahin ng liga na simula Mayo 15, mababawasan ng 25% ang mga sahod ng mga players mula sa kanilang bi-monthly wage payments.

Ang plano, na sinang-ayunan naman ng National Basketball Players Association (NBPA), ay magkakaloob sa mga players ng “gradual salary reduction schedule” sakaling ang mga laro ay opisyal na makansela.

Ayon sa collective bargaining agreement sa pagitan ng NBA at NBPA, ang bayad sa mga players ay babawasan kung magkakaroon ng “force majeure” event tulad ng epidemic o utos ng gobyerno na magpupuwersa sa pagkakatigil ng mga laro.

Ang halaga ng aktuwal na sahod ng mga players na iaawas ay kukuwentahin base sa bilang ng mga laro na nawala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinuspindi ng NBA ang season nito noong Marso 11 matapos na si Utah Jazz center Rudy Gobert ay nagpositibo sa COVID-19.

Maliban kay Gobert may pito pang NBA players ang napaulat na nagpositibo rin sa COVID-19 matapos ang pagsusuri.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending