Sylvia Sanchez, Art Atayde dasal ang muling pagsasama-sama ng pamilya   | Bandera

Sylvia Sanchez, Art Atayde dasal ang muling pagsasama-sama ng pamilya  

Reggee Bonoan - April 15, 2020 - 01:32 PM

UMAASA ang Atayde patriarch na si Papa Art na makalalabas na sila ngayong linggo dahil negatibo na ang asawang si Sylvia Sanchez sa dalawang COVID-19 test at tinatapos na lang ang gamot nito.

Ayon kay papa Art nang maka-chat namin kagabi, “Naka 2 negative na siya kaya tatapusin na lang gamot pero ako waiting pa for 1 more negative.”

Malakas naman ang pananampalataya ng daddy nina Arjo, Ria, Gela at Xavi na magiging okay na ang lahat at muling magkakasama ang buo nilang pamilya.

Unang nagpadala through private message si papa Art ng mga memes sa social media na naging libangan niya siguro habang nasa hospital bed dahil nga solo siya at walang makausap.

Sabi namin, “Magaling ka na nga papa Art kasi nagbibiro ka na.” At pabiro niya kaming sinagot ng, “Recovering malalaman namin in a few days kung wala na COVID. Naka-ready na ticket ko papunta ng Wuhan sasama kita.”

Ganyan ang tatay ng magkakapatid na Arjo, Ria, Gela at Xavi na sobrang jolly kaya nu’ng bigla silang manahimik ni Sylvia pagkatapos magdiwang ng kaarawan niya sa Resorts World nitong Marso 11 ay nag-isip na kami. Pero positive pa rin kami na baka out of town lang sila at nasa rest house nila.

Maging si Sylvia na maraming sine-share sa social media at madaldal sa chat group namin ay bigla ring nanahimik hanggang sa nag-post na nga ang aktres sa kanyang Instagram na positibo nga silang mag-asawa sa COVID-19.

At nalaman din namin na nag-self quarantine na sa kani-kanilang mga kuwarto ang magkakapatid na Atayde, maging ang mga kasama nila sa bahay. Good thing na lahat sila ay okay base na rin sa post ng magkakapatid.

Agarang paggaling para sa inyo Papa Art at Ibyang. Hope to see you soon.

 * * *

Muling mapapanood ang pampakilig at good vibes teleserye nina Sir Chief at Maya (Richard Yap at Jodi Sta. Maria) na Be Careful with my Heart sa iWant.

Mage-enjoy tiyak ang mga sumubaybay at pinakilig nina Richard at Jodi taong 2012-2014 lalo na ang senior citizens na gustung-gusto ang tambalan ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sayang nga raw at taken na si Sir Chief sa totoong buhay dahil bagay na bagay sila ni Maya. 

Anyway, available rin sa YouTube ang mga highlight ng Be Careful with my Heart (https://youtu.be/2z_6QmBTE3o; https://youtu.be/DaMwi5WJPaM).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending