HINDI ko na tinanong kung bakit naging Siopao ang palayaw ni Dioceldo Sy.
Siya lang naman ang pangulo at CEO ng Ever Bilena at siyempre may-ari ng Blackwater Elite sa PBA. Siya rin ang godfather ng women’s basketball ng Pilipinas na nag-resulta ng medalyang ginto sa nakaraang Southeast Asian Games.
May pinagsamahan kami ni Dio (Joe) sapagkat bago siya pumasok sa pro league ay aktibo siya sa dating Philippine Basketball League na kung saan siya ang chairman ng liga. Binuo rin niya ang koponan ng Blu Detergent na kung saan unang nakilala ng Pinoy basketbol fans si Asi Taulava.
Ilang beses ko na rin siyang nakasama sa labas ng bansa at hindi ko nga malilimutan ang panonood namin ng Australian Grand Prix sa Melbourne kasama ang matalik niyang kaibigan na si Raul Panlilio na ginawang tahanan na ang Land Down Under.
Dahil nga sa aming pagkakaibigan ay isa siya sa mga naging bisita noong ako ay ikasal mahigit 20 taon na ang nakalilipas sa SBMA Chapel at hindi niya nakalilimutang tulungan ang mga gawain ng PBL Press Corps na aking pinamunuan ng tatlong taon.
Sa paglipas ng panahon ay hindi ko na personal na nakadaupang-palad ang matagumpay na sportsman-businessman, ngunit salamat sa internet ay patuloy ang aming komunikasyon. Dagdag pa dito ay karamihan sa nagpapatakbo ng kanyang sporting program ay mga taong malapit sa akin.
Ang kanyang nakababatang kapatid na si Silliman ay matagal ko ng nakakausap at nandiyan sina coaches Leo Isaac, Pat Aquino at Aris Dimaunahan. Ibig sabihin nito ay nasusubaybayan ko ang mga pangyayari sa karera ni Siopao.
Noon pa man, down-to-earth talaga si Siopao.
Bagamat yayamanin, hindi ko siya kinakitaan ng yabang at pagmamalaki, Isang bagay nga ang hindi ko makakalimutan sapagkat palagi niyang sinasabi sa akin noon na wala siyang hilig sa mamahaling relo sapagkat pareho lang naman ang mekanismo ng mahal o ordinaryong relo.
Nitong mga nakaraang araw ay naging laman ng mga pahayagan, internet at iba pang media platform si Siopao dahil sa kanyang kagandahang loob na ibigay ang buong suweldo ng kanyang 1,800 kawani sa buwan ng Abril pumasok man o hindi. Ito ay sa panahon ng lockdown na kumakain sa cash flow ng Ever Bilena at iba pang kompanya.
At hindi na ako nagulat, Ganyan naman talaga si Siopao. Negosyanteng may puso siya at hindi tulad ng iba na pera, pera, at pera lang ang nakikita. Kailangan ang mga tulad ni Siopao sa panahong dumadaan sa matinding krisis ang bansa,
Ngunit hindi lang mga kawani ng Ever Bilena ang tinutulungan ni Sy. Hindi niya isinantabi ang mga frontliners na kinabibilangan ng mga medical workers, pulis, sundalo, at marami pang magigiting na Pinoy at Pinay. Gumawa ang Ever Bilena ng mga fund raising campaign na magbibigay suporta sa Philippine Red Cross, Philippine General Hospital Medical Foundation at sa Pasig General Hospital.
Ang tanong? Ano ang laman ng Siopao ni Sy? Hindi po asado o bola bola. Ang laman ay pusong mapagmahal sa mga nangangailangan at ugaling dapat tularan. Mabuhay ang Siopao!
* * * * *
PAGCOR DAPAT PURIHIN
Sa panahon ngayon, dapat palakpakan ang mga tumutulong sa panahon ng peste ng Covid-19.
Heto ang istorya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na pinamumunuan ni Chairman at CEO Andrea Domingo.
PAGCOR remits additional P6 billion to the Office of the President
After recently remitting a total of P20.5 billion to government coffers in response to the country’s fight against the Corona Virus Disease-2019 (COVID-19) pandemic, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) released on April 13 an additional P6 billion to the Socio-Civic Funds Project (SCFP) of the Office of the President (OP).
With this recent remittance, PAGCOR’s total contribution to the OP alone now stands at P14.5 billion.
On March 24, PAGCOR turned over P6 billion to OP, in addition to the P2 billion and P500 million remittances that were released on March 11 and March 1, respectively. These were on top of the P12 billion cash dividends that PAGCOR remitted to the National Treasury on March 23, 2020.
According to PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, PAGCOR’s remittances to OP are intended for various funding requirements relative to Proclamation No. 922 “Declaring a State of Public Health Emergency throughout the entire Philippines” and the subsequent declaration of the Enhanced Community Quarantine (ECQ) in Luzon, which was extended until April 30, 2020.
“The recent remittance to OP is pursuant to PAGCOR’s mandate to allocate its earnings to finance infrastructure and socio-civic projects,” Domingo explained.
“Despite experiencing losses due to the suspension of operations of our owned and licensed gaming facilities for almost a month now, we are doing our best to provide much-needed help to the government during this time of crisis,” Domingo said.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.