ni Ervin Santiago, Showbiz Editor
ISA si Sid Lucero sa mga iginagalang naming aktor – kahit saan mo kasi siya ilagay, lalabas at lalabas ang kanyang galing sa pag-arte. Kaya sigurado kaming grabe ang pagiging proud ng kanyang amang si Mark Gil sa layo na ng narating niya sa showbiz.
Hindi nawawalan ng projects si Sid, hindi na mabilang ang TV shows na nilabasan niya, lalong hindi na rin mabilang sa daliri ang mga pinagbidahan niyang indie films kung saan kinilala nang husto ang kanyang pagiging versatile actor.
Nu’ng naka-one-on-one namin si Sid Lucero kamakailan ay napakarami pa naming nadiskubre tungkol sa kanyang pagkatao. Simpleng tao lang siya, hindi siya palagimik, mas gugugustuhin pa raw niyang manood ng DVD o maglaro ng video games sa bahay kesa lumabas at makipag-inuman sa kanyang barkada. At nalaman din namin na hot na hot para sa kanya si Agot Isidro.
Narito ang naging takbo ng usapan namin ni Sid Lucero.
BANDERA (B): Ano’ng pinagkakaabalahan mo kapag wala kang trabaho?
SID LUCERO (SL): Now, sa totoo lang, tulog. Bihira na kasi akong maglalalabas ngayon, lalo na kapag sunud-sunod ‘yung trabaho. Itutulog ko na lang ‘yung free time ko para mas energy uli pagbalik sa work.
Minsan kasi, talagang one whole week walang pahinga ‘yun, lalo na kapag ‘yung isang araw na taping, nagiging two days. So, pag-uwi mo, wala ka na talagang magagawa, tuloy na ko sa kama at higa agad.
B: E, di hindi ka na nakakagimik ngayon dahil sa sobrang kabisihan mo?
SL: Hindi naman talaga ako magimik na tao. Ever since hindi ako palagimik. If ever na lalabas ako, sa bahay lang ng kaibigan ko. Minsan sila ‘yung pumupunta sa bahay. We just stay at home, or watch movies at home, DVD, we play video games, ganu’n lang.
B: Masaya ka na sa ganu’n?
SL: Oo naman, masaya naman. Okay na ako du’n. Tsaka ganu’n din naman ang gusto ng mga friends ko, ‘yung simpleng bonding moments lang.
B: Maarte ka ba pagdating sa pag-aalaga ng iyong katawan?
SL: No, no. You know what, for the longest time, hindi na ako nakakapag-exercise, or nakakapunta sa gym. Wala na, no more time talaga. It’s either rest and work, work and rest.
B: Hindi ka ba nagpupunta sa spa or skin clinic?
SL: Sometimes, like last time, my manager (Ricky Gallardo) got me an endorsement for a skin clinic. Ganu’n lang. Facial care, that’s the only time na nakakapunta ako. Pero kung wala ‘yun, hindi rin. Pero I make sure na bago matulog or kapag galing ako sa work, pahinga ng konti, tapos shower. Hindi ako nakakatulog kapag hindi ako nakakapag-shower.
B: How’s your lovelife?
SL: My lovelife is actually good. Ganu’n pa rin kami, five years na. Nagpapasalamat nga ako kasi tahimik.
B: May plano na ba kayong magpakasal?
SL: No, I have no plans right now. Pero sana mapunta du’n. Pero ngayon, hindi pa napaplano. We talk about it, pero hanggang usapan lang. Kasi ang fear ko, baka kapag pinag-usapan namin baka ma-preempt. Once in a while, it comes up, as a joke. Pero siyempre, ‘yun naman talaga ang pangarap ng kahit sino, ang magkaroon ng sariling pamilya in the future. Sana, sana, doon din mauwi.
B: Sino para sa ‘yo ang sexy among our female celebrities?
SL: Wow! Ang dami, I find Agot Isidro very hot. Extra sexy. I just find her attractive. There’s something in her na talagang, wow!
B: May mga dreams ka pa ba na hindi mo pa natutupad?
SL: Sana maabutan ko ‘yung time na wala nang difference ‘yung independent filmmaking and mainstream. That’s one of my greatest dreams, ‘yung mga viewers hindi na sila namimili ng pelikulang panonoorin nila, whether indie or not. ‘Yung talagang panonoorin nila lahat kasi maganda, world-class.
B: How about for yourself?
SL: I want to direct also. Pero wala akong planong mag-aral ng directing, ‘yung formal. I’m sure you can learn that on the spot. Kasi ‘yung mga experiences mo na as an actor, marami ka nang matututuhan du’n, e. Puwede mo nang i-apply ‘yun. So, parang for me, hindi na masyadong kailangan ng formal studies.
B: Magaling kang umiyak sa mga pelikula at teleserye. Umiiyak ka rin ba sa tunay na buhay?
SL: Mas grabe akong umiyak off screen. Para akong baby. Umaatungal talaga. Hindi mo talaga mai-imagine na ganu’n ako ka-emotional.
B: Ano ang nakakapagpaiyak sa ‘yo?
SL: My heart. Whether it’s about my romantic life, or my life as a son, or as a brother. My family, sila talaga ‘yung dahilan kung bakit ako ngiging emotional at times. Sometimes may work, ‘yung mga frustration ko sa trabaho ko.
B: Kailan ka huling umiyak at bakit? May iniyakan ka na bang babae?
SL: I remember when but I don’t remember why. Oo naman, May iniyakan na rin akong girl. I feel like, yung nag-aaway kami, na-realize ko nasasaktan ko na pala siya, like I feel guilty sa mga nangyayari.
B: May mga girls na bang lumalapit sa ‘yo, nakikipag-flirt?
SL: I wouldn’t know, may mga lumalapit, pero hindi ko naman napi-feel na may mga ganu’n.
B: Sino pa ang gusto mong makatrabaho in the future?
SL: Gusto kong makatrabaho ang lahat ng magagaling nating artista, really. Pero there’s one actress I’m really curious to work with, si Maja Salvador. Magaling si Maja, malalim. Gusto ko ‘yung atake niya.
B: Napi-feel mo na ba na sikat na sikat ka na?
SL: Hindi ko alam. But really, I try not to think about these things kasi ayokong lumaki ang ulo ko. Kasi kapag may nagsasabi sa akin na, ‘Uy sikat ka na!’, okay, thank you. I appreciate it, flattering. Pero mas gusto ko yung kini-criticize ako, ‘yung pinupuna ang mga maling nagagawa ko. Mas gusto ko ‘yun, kasi du’n ako mas natututo.
BANDERA Entertainment, 030110
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.