Tatlong buwan sahod ni gov pambili ng test kits | Bandera

Tatlong buwan sahod ni gov pambili ng test kits

Djan Magbanua - April 18, 2020 - 12:36 PM

IDINONATE ni Tarlac City Governor Susan Yap ang kanyang sweldo sa susunod na tatlong buwan para ipambili ng mga coronavirus testing kits para sa Tarlac Provincial Hospital at iba pang government hospital sa probinsya.

Tinatayang 500 testing kits na nagkakahalagang P375,000 ang bibilhin gamit ang donasyon ng gobernador.

Nauna ng magdonate ang mga miyembro ng Tarlac Provincial Board ng kanilang sahod para sa buwan ng Abril na umaabot sa P1,222,829 para labanan ang kumakalat na sakit na COVID-19

Ayon naman kay Dr. Gary Role, ang chief ng TPH, uunahin nilang itetest ang mga na-expose na pasyente at mga pasyenteng may sintomas na.

Plano naman ng Tarlac na mag-set up ng testing center na kayang magsagawa ng 120 test kada araw bago dumating ang kalagitnaan ng Mayo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending