Pumanaw na ang ina ni NBA player Karl-Anthony Towns dahil sa komplikasyon dulot ng COVID-19.
Ayon sa statement na inilabas ng Minnesota Timberwolves, namatay si Jacqueline Towns nitong Lunes matapos ang mahigit na isang buwang pakikipaglaban sa coronavirus.
“Jackie, as she was affectionately known among family and friends, had been battling the virus for more than a month when she succumbed on April 13th,” sabi ng koponan.
“Jackie was many things to many people — a wife, mother, daughter, grandmother, sister, aunt, and friend. The matriarch of the Towns family, she was an incredible source of strength; a fiery, caring, and extremely loving person, who touched everyone she met.”
Nag-post din ang starting center ng Timberwolves ng emosyonal na video sa Instagram noong Marso 25 kung kailan nakita niya ang kanyang ina na naka-ventilator.
Hinihimok din ni Towns ang kanyang mga social media followers na seryosohin ang COVID-19 at at sumunod sa social distancing guidelines ng gobyerno.
Kasalukuyang suspendido ang mga laro sa NBA matapos na magpositibo sa coronavirus ang ilang manlalaro nito noong isang buwan. Hindi pa matiyak kung kailan maipagpapatuloy ang 2019-2020 season at playoffs ng liga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.