QC may babala sa crematorium, funeral parlor
IPINAALALA ng Quezon City government na may parusang naghihintay sa mga crematorium na tatanggi sa mga namatay sa coronavirus disease 2019.
Sa isang pahayag, sinabi ng lokal na pamahalaan na bawal ding magtaas ng presyo ang mga crematorium simula noong Marso 12, nang ipatupad ang community quarantine.
Sa ilalim ng ordinansa, ang funeral parlor at crematorium na tatangging sunugin ang namatay sa COVID-19 ay magmumulta ng P5,000 bawat paglabag, at pagkansela ng business permit nito kung paulit-ulit ang paglabag.
“Under this Ordinance, funeral homes and crematoriums cannot reject remains of deceased COVID-19 patients due to fear of infection or other unjustifiable reasons,” ani Mayor Joy Belmonte.
Ang lokal na pamahalaan umano ang sasagot sa gastos sa cremation kung galing sa mahirap na pamilya ang nasawi.
Kung ang isang bangkay ay pinabayaan na ng pamilya, kukunin ng lokal na pamahalaan kustodiya nito upang ma-cremate.
Sa ilalim ng guidelines ng Department of Health dapat ay ma-cremate ang isang namatay sa COVID-19 sa loob ng 12 oras. Mayroong mga exemption na ibinigay para sa mga paniniwala laban sa pagsunog ng bangkay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.