Duterte handang alisin ang lockdown sa Luzon sakaling mabibili na ang antibody sa merkado
SINABI ni Pangulong Duterte na nakahanda niyang alisin ang umiiral na lockdown sa buong Luzon sakaling mabibili na sa merkado ang antibody kontra coronavirus disease (COVID-19).
“I placed a condition there na kung nandiyan na ‘yung antibody available na sa market dito and they’re being sold in quantity — in numbers — then I am inclined to maybe, at that time, lift the lockdown,” sabi ni Duterte sa kanyang public address.
Idinagdag ni Duterte na isang higanteng pharmaceutical company ang nagsabi na posibleng simulan na ang pagbebenta ng antibody kontra COVID-19.
“I cannot mention the pharmaceutical giants. Pero meron na hong nakade — nakapag — gumawa ng antibody. ‘Yung antibody na hindi galing sa tao. ‘Yun kasing ‘yung antibody na mag-fight ang ano mo, ang sarili mong antibodies tapos ma-overwhelm mo ‘yung kalaban, ‘yan gawa ng katawan mo,” dagdag ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na magiging isyu lang dito, kung magiging prayoridad sa listahan ang Pilipinas.
“Ang problema sabi nga ni — we are on the last ladder. Ang mauna niyan ‘yung mga mayaman na — kasi marami ‘yan eh, kailangan. So as fast as they can really manufacture or farm out the — the product, just retain the copyright para magtulungan sila,” dagdag ni Duterte.
“Kung meron na ‘yan tapos makita ko na ginagamit na ng tao, ili-lift ko. Tutal kung magkasakit kayo may antibodies naman tayo mabili. Ngayon, kung wala kang mabili, problema mo na ‘yan kasi tapos na ‘yung — I will lift the quarantine,” ayon pa kay Duterte.
Maghihigpit pa rin, aniya sa pagsusuot ng face mask sakaling alisin na ang lockdown.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.