Manila handa na rin mag mass testing para sa COVID-19
HANDA na magkaroon ng localize mass testing ang syudad ng Maynila na may target na 1000 o mas marami pa na COVID-19 test kada linggo ayon yan sa Facebook post ni Mayor ‘Isko Moreno’ Domagoso.
Sa anim na ospital at ang Manila Health Department gagawin ang mass testing.
Ang mga ospital na ito ay ang MHD/Delpan Quarantine Facility, Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital/MIDCC, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital at Ospital ng Sampaloc.
Tinatayang 232 COVID-19 swab test kada araw ang magagawa ng Maynila para sa mga ospital na ito.
Ang mga swab test ay iproproseso ng Department of Health Research Institute for Tropical Medicine o ang University of the Philippines Philippine General Hospital.
Nangako naman si Dr. Gap Legaspi, UP-PGH Director na mailalabas aqng resulta ng mga swab test sa loob ng dalawa o tatlong araw lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.