Alex dedma muna sa patawa: It’s time na you talk to Jesus…
SA kauna-unahang pagkakataon, nagpakaseryoso si Alex Gonzaga sa latest vlog niya sa YouTube kung saan ibinandera niya ang kanyang pananampalataya.
Bago matapos ang Semana Santa, nagbahagi ang TV host-actress ng isang video sa YT na may title na “Holy Week Cover” at aniya, “First time ko ‘to gagawin if ever na in my vlog I will be discussing my faith.”
Ani Alex sa caption ng video, “Hi Netizens, first time i’ll use my platflorm to spread the good news. Stay safe everyone! Jesus loves you! Thank you tita Ela.” Ang kanyang tita Ela ang kasama niya sa pagkanta ng “Oceans” ng Hillsong.
Ipinaalala ni Alex na sa madlang pipol na ngayong panahon ng krisis, ang pinakamahalagang gawin ng mga tao ay ang patatagin pa ang faith at pagmamahal sa Diyos.
Aminado ang kapatid ni Toni Gonzaga na nagdalawang-isip pa siya na mag-share ng kanyang pananampalataya at pananalig sa Diyos sa ibang tao.
“Kasi hindi ko masyadong ‘yun nung una kasi feeling ko corny ang maybe this is not the right time,” sabi ni Alex sa kanyang intro sa video.
“But you know, you should not be ashamed of the gospel.
“Lahat tayo, hindi lang ang Pilipinas kundi ang buong mundo, confused kung ano ang nangyayari, ano ang next move natin.
“There’s uncertainty in every one of us so maybe this is the right time we’ll find peace and rest through God,” paliwanag ng komedyana.
“Right now, sa lahat po ng ating pinagdadaanan, it’s time na you talk to Jesus.
“You talk to Him and that whatever you are feeling right now kung ano man ang nakikita mo, kung ano man ang anxiety mo, kung ano man ang panic mo, kung ano man ang kailangan mo, ask and it will be given. Accept Jesus Christ as your savior,” lahad pa ng dalaga.
Mahigit 1 million views na ang nakuha ng vlog ni Alex at sandamakmak na comments mula sa kanyang followers at halos lahat ay nagsabing mas lalo silang na-inspire sa napanood nilang video ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.