Blackwater Elite owner tumulong sa mga empleyado, frontliners
NAGBIGAY ng pinansiyal na tulong si Blackwater team owner Dioceldo Sy sa mahigit 1,800 empleyado ng Ever Bilena Cosmetics Inc., ang prangkisa na may-ari ng Philippine Basketball Association (PBA) ballclub.
Nagkataon naman ito sa desisyon ng pamahalaan na palawigin ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) mula Abril 12 hanggang sa Abril 30 bunga ng coronavirus (COVID-19) pandemic.
Ayon sa ulat mula sa PBA.ph, sinabi ni Sy na babayaran ng kumpanya ang mga empleyado nito ng kanilang kabuuang sahod nitong Abril para makapagbigay ng ginhawa at mabawasan ang kanilang alalahanin ngayong extended ECQ.
Bagamat naghihigpit sa kanilang gastusin bunga ng ECQ, sinabi ni Sy na pumasok siya sa kanyang negosyo dahil na rin sa kanyang mga empleyado.
Pinaalalahanan din ni Sy, na kinilala bilang Entrepreneur of the Year noong 2018 Asia CEO Awards, ang kanyang mga empleyado na gastusin ang kanilang pera ng tama.
Maliban sa pagbabayad ng kabuuang sahod ng mga empleyado nito, ang Ever Bilena ni Sy ay nagsagawa ng fund drive para makapagbigay ng tulong sa Pasig General Hospital, Philippine Red Cross at Philippine General Hospital Medical Foundation na tatlong organisasyon na kabilang sa mga frontliners na lumalaban kontra COVID-19.
“I believe that once this pandemic ends, we will emerge from this stronger than ever,” sabi ni Sy. “There will be a need for some sacrifices, but as long as we work together, we will survive.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.