Ordinansa vs umaapi sa frontline workers ipasa- DILG | Bandera

Ordinansa vs umaapi sa frontline workers ipasa- DILG

Leifbilly Begas - April 09, 2020 - 05:32 PM

NANAWAGAN ang Department of Interior and Local Government sa mga lokal na pamahalaan para magpasa ng ordinansa upang maproteksyunan ang mga frontline workers laban sa harassment at diskriminasyon.

“We are alarmed by the reports that reach our office on the harassment and discrimination experienced by our frontline workers including health professionals, police, military, essential services personnel, and government and non-government social workers. Sila pa naman ang mga bayani sa gitna ng laban sa Covid-19 subali’t nakakaranas at iniinda pa nila ang diskriminasyon at harassment,” ani DILG Sec. Eduardo Año.

Sinabi ni Año na dapat ay maparurusahan ang mga nasa likod ng pahirap sa mga forntliners na nagsasakripisyo para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Let us accord them the dignity and honor they deserve for their courage and service in the fight against the deadly Covid-19,” saad ng kalihim.

Nauna ng napasa ng naturang ordinansa ang Maynila at Muntinlupa.

“Babantayan po ng DILG ang compliance ng LGUs sa direktiba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na magpasa ng anti-discrimination executive orders o ordinances para sa frontline workers sa gitna ng Covid-19 crisis.”

Sinabi naman ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na dapat ay proteksyunan din ng mga LGU ang mga overseas Filipino workers na nakararanas din ng diskriminasyon at harassment.

“Maliban pa po sa frontline workers, protektahan din natin ang OFWs. Alalahanin po natin ang kanilang sakripisyo bilang modern Filipino heroes na sumusuporta sa ekonomiya ng bansa nang sila’y nagbabanat ng buto at minsa’y nakadaranas din ng diskriminasyon doon sa ibayong bansa,” ani Malaya.

Sinabi ng Department of Justice na magbibigay ito ng legal assistance sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nanghaharass sa mga frontline workers. Maaari umanong pumunta sa pinakamalapit na sangay ng National Bureau of Investigation upang makahinga ng tulong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending