eHealth Bill para sa remote check-up, e-reseta isusulong | Bandera

eHealth Bill para sa remote check-up, e-reseta isusulong

- April 08, 2020 - 11:53 AM

NAIS magsumite ng isang bill ni Senator Sonny Angara para lumikha ng isang eHealth system sa bansa.

Ang panukala  ay maglalayong magtayo ng telehealth at telemedicine, kung saan ang  mga doktor ay maaaring magsagawa ng check up at magbigay ng mga reseta sa pamamagitan ng over the phone interviews at pagpapadala ng mga e-prescriptions.

Dahil dito mababawasan ang pangangailangang pumunta at magpakita ng physical sa mga doktor, na mahirap gawin ngayon dahil sa enhanced community quarantine.

“We have seen in the past weeks that consults with medical professionals have become very, very difficult. Clinics and hospitals are struggling to cope with the surge in patients seeking medical attention. With COVID-19 (coronavirus disease 2019)  being highly contagious, physical visits to physicians is discouraged, which makes the situation even more difficult for the public.” ani Angara.

Sa bill na ito, magiging kaparehas ng eHealth ang nakasanayang paraan ng pagkonsulta sa doctor.

Isang Health Sector Enterprise Architecture din ang itatayo para siguraduhin ang operasyon at serbisyo ng mga pasilidad ng eHealth.

Ang bill na ito ay para tugunan ang mga sitwasyong gaya ng outbreak ng nakakahawang sakit o pagtatalaga ng ECQ, maaari pa ring maresetahan ng mga doktor ang kanilang pasyente kahit hindi pumupunta sa ospital o clinic.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending