SB19 may regalo sa A’TINs para lumaban sa krisis
NGAYON pa lang ay siguradong excited na ang fans ng P-Pop group na SB19 sa bagong inspirational song na kanilang ginawa.
Habang naka-stay at home ang limang miyembro ng SB19 dulot ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 ay nakabuo sila ng isang awitin para ialay sa buong mundo, sa pangunguna ni Sejun.
Sa pamamagitan ng kanilang official Instagram page, ibinalita nina Sejun, Josh, Stell, Ken at Justin sa lahat ng A’TINs (ang tawag sa milyun-milyon nilang tagasuporta) na very soon ay mapapakinggan na ang “Ikako” (Ikaw at Ako).
Ito’y magsisilbing inspirasyon sa madlang pipol sa gitna ng pakikipaglaban ng buong mundo sa COVID-19 pandemic.
Naka-post sa IG ng SB19 ang poster na isang lalaking tumutugtog ng piano na may caption na, “Hi A’TIN! Kamusta po kayo? We know how you are fighting well during these tough times.
“To give you a simple gift of hope and cheer you up, SB19 brings you a surprise song, ‘ikako’ (ikaw at ako).
“Ang bagong tunog ng pag-asa para sa ating lahat,” mensahe pa ng grupo.
Hindi pa ina-announce kung kailan ang release ng bagong kanta ng SB19 pero ayon sa grupo, malapit na malapit na itong mapakinggan ng mga Filipino sa buong mundo.
Last March 19 sana magaganap ang major concert ng SB19 sa Araneta Coliseum pero nakansela nga ito dahil sa health crisis sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.