Pokwang nagpasalamat kay Duterte sa pagtatanggol kay VP Leni | Bandera

Pokwang nagpasalamat kay Duterte sa pagtatanggol kay VP Leni

Ervin Santiago - April 08, 2020 - 08:52 AM

POKWANG

TUWANG-TUWA ang madlang pipol nang ipagtanggol at kampihan ni 

Pangulong Rodrigo Duterte si Vice-President Leni Robredo sa ginagawa nitong effort para makatulong sa health crisis sa bansa.

Isa na nga riyan ang Kapamilya comedienne na si Pokwang na nagpasalamat pa sa Pangulo dahil sa kauna-unahan yatang pagkakataon ay idinepensa niya si VP Leni.

Ikinagulat ng karamihan sa mga Filipino ang ginawang pagtatanggol ni Pangulong Duterte at sa pagsasabing walang mali sa paghingi ng ayuda ni Vice-President Robredo sa private sector para sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ito’y matapos ngang sabihin ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Manuelito Luna na dapat imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) si VP Leni dahil tila  nakikipagkumpitensiya ito sa Duterte administration sa paglaban sa COVID-19.

Tinanggal na sa pwesto ni PDuterte si Luna, “Gusto niya na ipaimbestiga si Leni kung bakit nag-solicit. Kaya nga nung narinig ko, sabi ko, ‘Fire him. As of this moment, he is no longer connected with the government.’”

“Ako, panahon nang i-criticize ko si Leni, sometimes the language that I use is very…pero itong panahon na ito na wala namang kasalanan ang Vice-President, nag-ano nga na magtulong, bakit ipaimbestiga?” sabi pa ng Presidente.

Sa kanyang Instagram account, nag-thank you si Pokwang sa Pangulo, “Bukod sa nga nakaka recover sa covid-19, isa ito sa nakapa gandang balita at tanawin sa mga social media (praying hands, heart, face throwing a kiss emojis).

“Salamat po Mr. President (praying hands emoji) sana laging ganito (two victory hands emojis).

“God patnubayan n’yo po at gabayan ang aming bayan at ang aming presidente at bise-presidente (heart emoji).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending