Toni pinagmumura ng basher, bumuwelta: After ng kamay, hugasan mo rin bibig mo!
PINAGMUMURA ng isang netizen si Toni Gonzaga at sinabihan pang walang silbi ngayong panahon ng health crisis.
Inakusahan ang Kapamilya TV host-actress na puro lang dakdak at hindi naman tumutulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic. Ikinumpara rin siya sa kapatid na si Alex Gonzaga na kahit paano’y nakapagbahagi na ng ayuda sa mga nangangailangan.
Nitong nakaraang araw, nag-post ng isang quote card si Toni na naglalaman ng inspirational message para mas patatagin pa ang loob ng madlang pipol sa panahon ng krisis.
Dito, nais ipagdiinan ng misis ni Direk Paul Soriano na biglang nawalan ng halaga ang “power, wealth, and beauty” ngayong nasa matinding krisis ang buong mundo.
Napatunayan din daw ng kalikasan na hindi nito kailangan ang mga tao para ipagpatuloy ang buhay. “Remember you are my guests, not my masters,” sabi pa sa quote card.
Isang netizen nga ang nag-comment dito at sinabihan si Toni na hindi marunong mag-share ng blessings sa mga nangangailangan.
“T**ng in** toni puro ka ganyan wala kami nababalitaan na tumulong ka na sa mga nangangailangan puro si alex lang marunong tumulong sa kapwa.
“Pinayaman ka ng taon bayan sa pag suporta sayo matuto ka magbalik palibahsa nakahiga ka sa pera nakakain ka ng masarap nakakatulog ka ng mahimbing
“Mga kapwa mo pilipino kahit kailan wala ka tulong mahiya ka
“Proud ka pa ipakita sa Instagram mo na kumakain ka ng masarap habang maraming namamatay na pilipino. t**ng in** wala ka silbi,” hirit pa ng basher.
Agad naman siyang binuweltahan ni Toni at sinabing hindi kailangang ibandera sa social media ang pagtulong.
“So much hate in your heart. I hope the lockdown will make u reflect on how you speak to others.
“I NEVER broadcast the help we give. I don’t need your validation and praise for it.
“Some people can work and help in silence. Respect that. Not everything is publicized like how u want it,” sabi pa ng aktres.
Hirit pa ni Toni, “After washing your hands today wash your mouth also. It badly needs it.”
Marami naman ang nagtanggol kay Toni at nagsabing huwag na lang niyang pansinin ang mga nega sa social media. Ang mahalaga malinis ang kanyang kunsensiya at tuloy ang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.