Duterte: We are inclined to extend the lockdown up to April 30
NAGPAHIWATIG na si Pangulong Duterte na aaprubahan ang panukalang dalawang linggong extension ng enhanced community quarantine sa bansa matapos namang ihayag na posibleng tumagal ang lockdown hanggang Abril 30.
“If you really want to know, we have discussed it actually even before this, we are inclined to extend the lockdown up to April 30. Tingnan natin after that,” sabi ni Duterte.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na kinikilala niya ang panawagan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla matapos namang manawagan na isama ang mga middle income earners sa social amelioration program ng gobyerno.
“Marami ang may gusto… I will discuss it when I reach the point raised by Governor Remulla of Cavite which I think is valid. We’ll try to remedy whatever kung may mapulot pa tayo sa daan.,” dagdag ni Duterte sa kanyang public address.
Inamin naman niyang desperado na siya sa sitwasyon.
“The economy is not moving, standstill, so wala tayong kita. Ang ginagamit natin ito na ‘yung nireserba natin na pera. Ang pinagyayabang ko na may pera tayo, it’s P300 billion,” sabi pa ni Duterte.
Nakatakdang magtapos sana ang isang buwang lockdown sa Abril 12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.