Kathryn nagpadala ng medical supplies sa 7 ospital; Vice namigay ng relief goods sa 850 pamilya sa QC | Bandera

Kathryn nagpadala ng medical supplies sa 7 ospital; Vice namigay ng relief goods sa 850 pamilya sa QC

Ervin Santiago - April 05, 2020 - 11:45 AM

 

BUKODsa patuloy na paghahatid ng tulong sa frontliners at sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19, nanawagan din si Kathryn Bernardo sa lahat na huwag masasawang maging “bayani” sa panahon ng krisis.

Kamakailan ay nag-celebrate ng kanyang 24th birthday si Kathryn at dahil sa enhanced community quarantine ay isang simpleng selebrasyon lang ang nangyari sa kanilang bahay.

At bilang pagpapasalamat na rin sa lahat ng blessings na natatanggap niya, agad na nagpaabot ng tulong ang Queen of Hearts at Box-office Queen ng mga relief goods sa ilang barangay sa Quezon City.

Anim na barangay sa QC ang nakatanggap ng pagkain mula sa donasyon ni Kathryn kabilang na ang Culiat, Old Capitol Hills, Tandang Sora, Malaya, Claro at Bgy.  Mangga.

Bukod dito, namigay din ang girlfriend ni Daniel Padilla ng pagkain at medical supplies para sa mga healthworkers at frontliners sa San Lazaro Hospital, Philippine Heart Center, Chinese General Hospital, Perpetual Help Medical Center, San Lazaro Hospital, Quezon City General Hospital and Rosario Maclang Bautista Hospital.

Sunud-sunod naman ang natanggap na pasasalamat ng Team Kathryn mula sa nakatanggap ng kanyang ayuda.

“THANK YOU MS. KATHRYN BERNARDO SA IBINIGAY MONG FOOD PACKS PARA SA MGA BATA!”

“Beautiful inside and out. More blessings to you and your family! You deserve all the best Kath!”

“Maraming Salamat ms. Kathryn Bernardo sa pag-share ng blessings mo by donating your own money to feed more than 2000.”

“We are beyond blessed and grateful for the continuous help and support to our front liners through these donations. Thank you to our Vice Mayor Gian Sotto and Ms. Kathryn Bernardo for today’s meal.”

Sa kanyang Instagram account, nakiusap din ang dalaga sa kanyang followers and fans na ipagpatuloy lang ang pagtulong at pagsuporta sa lahat ng nangangailangan. 

Aniya pa, hangga’t kaya ay huwag sanang magsawa ang mga may mabubuting puso na magpadala ng relief goods at medical supplies para sa mga frontliners at mga nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.

“Another day, another chance to help and make a difference! Your contribution, no matter how big or small, can go a long way to save lives,” mensahe pa ni Kathryn.

* * *

Isa pang nag-celebrate ng kanyang 44th birthday recently ay si Vice Ganda na wala ring sawang nagse-share ng blessings sa madlang pipol na apektado ng health crisis.

Bilang bahagi ng kanyang post-birthday celebration, muling nagsagawa ng relief drive sa dalawang barangay sa Quezon City. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umabot sa 850 pamilyang Pinoy ang naabutan ng relief packs mula sa Brgy. South Triangle and Brgy. Paligsahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending