Jodi tutulong din para makalaya ang 21 residenteng inaresto sa QC
NANGAKO rin ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria na magbibigay ng tulong sa 21 residente ng Quezon City na inaresto at ikinulong matapos magprotesta sa may North EDSA.
Matapos mag-offer ang pamilya ni Megastar Sharon Cuneta na sasagutin nila ang pampiyansa ng mga taga-Sitio San Roque, Quezon City na kinasuhan dahil sa paglabag sa quarantine protocol, nagpaabot din ng ayuda si Jodi.
Ito’y bilang tugon sa panawagan ni Bagong Alyansang Makabayan secretary general Renato Reyes, Jr. na sana’y may tumulong sa kanila na makalikom ng pampiyansa sa mga inaresto dahil lamang sa panghihingi nila ng relief goods.
“The 21 San Roque residents who were arrested for protesting lack of food face multiple charges and must pay up to P15,000 EACH for bail according to their lawyer. Wala na nga silang makain, pagbabayarin pa ng P15,000 each. Walang awa sa mahihirap. #TulongHindiKulong,” ani Reyes.
Ayon kay Jodi, willing siyang sagutin ang pang-bail ng apat sa mga nakalulong.
Nauna nga rito, nag-tweet ang anak nina Sharon at Kiko Pangilinan na si Frankie ng, “I’ll sponsor one. Please give the details.” At ang iba pa ay sasagutin na raw ng kanyang mga magulang.
Mula nang simulan ang lockdown sa Metro Manila ay hindi pa raw nakakatanggap ng tulong ang mga taga-Sitio San Roque kaya nagdesisyon na silang mag-rally para ipaalam ito sa mga kinauukulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.