Duterte binatikos si Diokno dahil sa umano’y pamumulitika sa panahon ng pandemic
BINANATAN ni Pangulong Duterte ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno dahil sa umano’y pamumulitika sa panahon ng pandemic.
“Ito si Chel Diokno sinabi pa niya na, ‘Sige ako magdepensa sa inyo’. Alam mo, Chel Diokno, kayong mga oposisyon, dilaw, huwag ninyong pilitin ang pagkatao ninyo na …sa gobyerno. Kayo, nag-sige tapon-tapon ng black propaganda kasi malapit nang eleksyon,” sabi ni Duterte sa kanyang public address kagabi.
Ito’y matapos sabihin ni Diokno na handa siyang magsilbing abogado ng 21 residente na hinuli matapos magprotesta sa Quezon City dahil sa walang natatanggap na ayuda mula sa lokal na pamahalaan.
“Sabihin ko sa iyo ngayon, sa taong Pilipino, kung ‘yan ang mga tao na ipalit ninyo sunod na eleksyon, torpe talaga ang Pilipino. Sabihin ko sa inyo. Prangka. Wala na ako. Tsaka hindi na ako makialam,” ayon pa kay Duterte.
“Ito si Diokno magsalita, parang janitor. At tsaka tumakbo ka ng senador, hindi kayo bumoto ng tao. Alam mo kung bakit? Pwede kitang biruin? Huwag kang magalit. Alam mo kung bakit hindi ka nanalo? Kasi kalaki ng ngipin mo. Magsalita kalahati ng panga mo lumalabas,” dagdag pa kay Duterte.
Tumakbo bilang senador si Diokno sa nakaraang eleksyon, bagamat natalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.