MAM Liza,
Magandang Umaga po sa inyo.
Ako po si Noel, tubong Samar at 17 taong gulang at naninilbihan bilang helper sa isang grocery dito sa Valenzuela.
Tanong ko lang po kung sakop po ba ako ng Batas Kasambahay?
Puwede po ba nila akong kuhanan ng SSS? Magdidisi-otso po ako sa buwan ng Oktubre, salamat po.
REPLY: Ito po ay bilang tugon sa katanungan ni Noel ng Samar. Ayon sa kanya siya ay naninilbihan bilang helper sa isang grocery sa Valenzuela.
Dahil siya ay employed sa isang business, siya ay dapat na nirereport sa SSS bilang employee.
Hindi siya kaila-ngang ibilang sa ilalim ng Kasambahay Law.
Ang ibig sabihin po nito ay dapat noon pang na-employ siya sa grocery dapat ay ni-report na siya sa SSS at
ipinaghulog ng contributions.
Pinapayuhan namin siyang kausapin ang kanyang employer ukol dito.
Kung sakali naman na magkaroon siya ng problema dito, maaari siyang dumulog sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar para i-report ang hindi pag-cover at paghulog ng contributions ng kanyang employer.
Ang SSS na ang bahalang makipag-usap sa kanyang employer ukol dito.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Noel.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
SOCIAL SECURITY OFFICER IV
SSS MEDIA
AFFAIRS
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.