Isko Moreno napa-TikTok para saluduhan ang mga bayaning frontliners
SA usung-uso ngayong mobile app na TikTok ibinandera ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagsaludo at pasasalamat sa frontliners na patuloy na nagkikipaglaban sa coronavirus 2019.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumabak sa TikTok si Isko kung saan ni-lip sync niya ang kantang “Pinoy” ni Freddie Aguilar. Nilagyan niya ito ng caption na, “Kaya natin ito, Pinoy tayo!”
Bukod dito, mapapanood din ang actor-politician sa iba pang video para magbigay ng “good vibes” sa mga frontliners at iba pang bayaning healthcare workers.
“Dedicated to our frontliners (health sectors, police, barangay [officials], and others). We are grateful to your service! We love you!” pahayag ni Mayor Isko.
Muli ring pinaalalahanan ng alkalde ang lahat ng medical workers at frontliners na triplehin ang pag-iingat habang patuloy na ginagawa ang kanilang mga tungkulin sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
“Sa atin pong mga doctors, nurses, and health workers ng St. Lukes, mga frontliners, the least thing that I can say is thank you and we love you.
“We’re all the way with you. Private and public frontliners and health sectors, please take care and please extend our gratitude to your family. May God bless you all. Stay healthy. Keep safe. Kailangan po namin kayo,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.