Mitra dumulog sa DOLE, DSWD para matulungan ang sektor ng pro boxing, muay thai at MMA | Bandera

Mitra dumulog sa DOLE, DSWD para matulungan ang sektor ng pro boxing, muay thai at MMA

Frederick Nasiad |April 02,2020
facebook
share this

Mitra dumulog sa DOLE, DSWD para matulungan ang sektor ng pro boxing, muay thai at MMA

Frederick Nasiad - April 02, 2020 - 01:57 PM
Bilang tugon sa programa ng gobyerno na tumulong sa mga manggagawang Pilipino na apektado ng COVID-19 lockdown ay nagsumite na ng listahan ang Games and Amusements Board (GAB) sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa amelioration program ng gobyerno. Dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa bansa ay naapektuhan ang kabuhayan ng maraming Pilipino lalo na ang mga nasa “no work, no pay” sector kaya naman nag-alay ng tulong pinansiyal ang gobyerno na magbibigay ng mula P5,000 hanggang P8,000 ayuda para sa mga kuwalipikadong Pinoy. Kabilang sa mga nawalan ng kinikita sa panahon ng quarantine ay ang mga atleta, trainers, managers at promoters ng pro boxing at iba pang contact sports at minabuti ni GAB chairman Abraham “Baham” Mitra at ng mga commissioners  na sina Eduard Trinidad at Mar Masanguid na isali ang mga ito sa naturang  probisyon ng Republic Act No. 11369 o ang Bayanihan  to Heal as One Act. Ayon kay Mitra, umabot sa 1,133 katao ang nasa opisyal na talaan ng GAB na binubuo ng 805 boxers, 79 mixed martial arts fighters, 32 muay thai athletes, 157 boxing trainers at seconds, 48 MMA trainers at 12 muay trainers. Umaasa si Mitra na matutugunan ng DOLE at ng DSWD ang pangangailangan ng mga ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending