Hindi lang si Mayor Vico, ordinaryong mamamayan target din ng NBI – Diokno
PATI mga ordinaryong mamamayan ay ipinapatawag ng National Bureau of Investigation, ayon sa human rights lawyer na si Chel Diokno.
Sa kanyang tweet Huwebes ng umaga, mayroon daw humihingi ng tulong sa kanya dahil ipinapatawag ng NBI dahil sa pag-popost raw ng mga hinaing online.
“Di lang si Mayor Vico. Pati ordinaryong mamamayang nagpo-post ng hinaing online, pinapatawag ng NBI. Tinanggap ko ang kasong ito dahil di na makatao ang nangyayari. Ang dami nang namamatay, pati frontliners, pero imbis na COVID, kritiko ang gusto nilang puksain. #ProtectThePeople” tweet nya.
Kasama ng tweet ay screenshot ng paghingi ng tulong at ang subpoena.
Di lang si Mayor Vico. Pati ordinaryong mamamayang nagpo-post ng hinaing online, pinapatawag ng NBI. Tinanggap ko ang kasong ito dahil di na makatao ang nangyayari. Ang dami nang namamatay, pati frontliners, pero imbis na COVID, kritiko ang gusto nilang puksain. #ProtectThePeople pic.twitter.com/IoGjLQk1wr
— Chel Diokno (@ChelDiokno) April 2, 2020
Isa si Diokno sa mga nagkondena sa pagpapatawag kay Mayor Vico ng NBI para pagpaliwanagin sa paglabag diumano sa Bayanihan Heal as One Act.
Tama, hindi retroactive ang Bayanihan Act. Mukhang may bumagsak sa Constitutional Law. Di bale, tiyak akong maraming handang tumulong sa inyo at sa mga Pasigueño. https://t.co/O1Hb3L6lK0
— Chel Diokno (@ChelDiokno) April 1, 2020
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.