Vico Sotto umani ng suporta, NBI kinuyog: Bakit 'yan pa inuuna nyo? | Bandera

Vico Sotto umani ng suporta, NBI kinuyog: Bakit ‘yan pa inuuna nyo?

Djan Magbanua - April 01, 2020 - 07:39 PM

IBA’T ibang reaksyon ang inani matapos kumalat ang balitang pinagpapaliwanag ng NBI Anti-Graft division si Pasig City Mayor Vico Sotto  sa posibleng paglabag diumano nito sa Bayanihan Heal As One Act, partikular sa pag-request niya sa gobyerno na hayaan makabyahe ang mga tricycle sa Pasig para sa mga healthworkers.

Pero tila mas marami ang kumampi kay Sotto at halos lahat ay na-shock sa ginawang ito NBI kaya nag-trend nanaman ang #ProtectVico.

Sa katunayang nag-trending ito worldwide.

Para sa marami, isang magandang ehemplo si Sotto na dapat na gawin ng isang public official, lalo na ang isang mayor, sa gitna ng krisis na kinakaharap na bansa dulot ng COVID-19.

Ilang sikat na personalidad din ang nagreact sa balitang ito. Maging sila ay bad trip sa nangyayari sa alkalde ng Pasig City.

May nasusuka, may nagsabing nabubuang na, meron din namang sumisigaw ng ‘Yoko na!!!!’.

Ani Kapuso actress Janine Gutierrez bakit hindi na lang daw si Senator Koko Pimentel, na lumabag sa kanyang quarantine protocols, ang ipatawag.

Ganun din ang simpatya ni Angelica Panganiban. Nagtataka rin siya na kung sino pa raw ang may natutulong ay siya pa ang kakasuhan.

Tila nawala ang ‘good vibes lang po!’ na prominent sa bio ng Twitter account ni Kim Chiu ng pati siya ay napa malakas na ‘Yoko na!!!’ sa balitang ito.

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1245296677897961473

Niremind naman ni Alessandra de Rossi ang ‘human compassion’ line na ginamit sa kaso ni Senator Koko.

Sumali naman ang director na si Kip Oebanda sa trending worldwide na #ProtectVico

https://twitter.com/kipoebanda/status/1245290391139577857

Maging si Bianca Gonzales ay handa rin sa #ProtectVicoSotto

Ani veteran journalist Karen Davila bakit ito pa raw ang inuuna imbis na ang sakit na COVID-19 na siyang tunay na problema. Hayaan na lang sana ang mayor ng Pasig na gawin ang kanyang trabaho.

Nagtataka din ang actress na si Jodi Sta. Maria kung bakit din si Vico ang pinagpapaliwanag ng NBI.

Sey ni Maris Racal, sukang suka na siya sa gobyerno.

React ni singer Julie Anne San Jose: nabuang na

Sayang naman ang naging tweet ni Bela Padilla. Sayang daw ang taong tumayo at gumalaw para sa tao na pinapaupo ulit.

https://twitter.com/padillabela/status/1245300602021621760

Sa isang tweet sinagot ni Mayor Vico ang NBI at sinabing nag comply sila sa direktiba at hindi illegal ang pagbibigay ng opinyon

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending