Vico pinagpaliwanag ng NBI; ‘Hindi po ilegal ang magbigay ng opinion!
PINAGPAPALIWANAG ngayon ng NBI Anti-Graft Division si Mayor Vico Sotto sa posibleng pag-violate umano nito ng Bayanihan Heal as One Act nang i-request niyang ma-exempt ang mga tricycle drivers sa public transportation ban.
Sa kanyang official Twitter account sinagot ng alkalde ang NBI.
Aniya, hindi naman ilegal ang magbigay ng opinyon at nag-comply naman sila sa direktiba ng gobyerno.
Tinanong pa nya kung alam ng NBI Anti-Graft Division na noong March 24 lang naging batas ang Bayanihan Act.
“They’re asking for an “explanation on the alleged violation of the Bayanihan to Heal as One Act (e.g. continuous tricycle operation)” We complied with all directives. Hindi po illegal magbigay ng opinyon…at alam kaya nila na March 24 naging batas ang Bayanihan Act?”
March 18 sa isang Facebook post, umasa si Mayor Vico noon na payagan ang mga tricycle na makabyahe para sa mga papasok na health workers.
March 19, sa isang interview sinibukang umapela ni Mayor Vico na hayaan ang mga tricycle na mag-operate amidst the quarantine.
March 20, nasabi ni NCRPO director Gen. Debold Sinas na umagree na si Pasig City Mayor Vico na tumalima sa direktiba ng national government sa pagpapatigil sa lahat ng public transportation kasama ang mga tricycle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.