Angel Locsin sa kasal nila ni Neil Arce: Bahala na ang Diyos... | Bandera

Angel Locsin sa kasal nila ni Neil Arce: Bahala na ang Diyos…

Reggee Bonoan - April 01, 2020 - 11:13 PM

APEKTADO rin ang wedding preparation nina Angel Locsin at Neil Arce nang dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakausap namin ang aktres ngayong araw at kinumusta namin ang tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Neil ngayong taon.

Ilang buwan na lang kasi ang bibilangin at magaganap na ang kanilang wedding pero hindi na nga nila ito naaasikaso dahil sa nangyayaring health crisis sa bansa.

“Oo nga ate, eh. Bahala na ang Diyos. Need kong unahin ang mga nangangailangan,” sagot sa amin ni Angel.

Kinumusta rin namin ang pamilya niya dahil siya lang ang nahiwalay sa mga ito dahil ang kanyang mga kapatid ay kasama ng daddy nila sa Quezon City habang siya ay nasa Bonifacio Global City.

“Hindi kasi ako puwedeng umuwi doon ate, kasi si daddy matanda na, prone na ‘yun baka mahawa, e, lagi akong nasa labas.

“Nakita ko na ‘yung picture nilang lahat habang nagdi-dinner, sabi ko nga naiinggit ako,” natawang sabi ng dalaga.

Anyway, ang sabi namin kay Angel ay lagi silang mag-iingat ni Neil, “Okay naman kami ate, lagi naman nakaalalay sa akin si Neil kapag alam niyang ano (masama na ang pakiramdam), hinihila na niya ako,” saad ng dalaga.

Hindi naman nahiyang aminin sa amin ni Angel na, “Sana pala pumirma ulit ako ng kontrata (ABS-CBN) para may suweldo ako at magamit pa sa pagtulong. Ha-hahaha! Kaso nga pahinga kasi ako dapat ngayong taon.”

Oo nga naman, knowing Angel, ayaw niyang kumukubra lang basta nang hindi niya pinaghihirapan at pinagtatrabahuan.

 

* * *                                                   

Ngayong nakapirmi sa bahay ang mga bata, samahan silang matuto ng mga bagong kaalaman habang nalilibang sa pamamagitan ng panonood ng mga programa at pelikula sa iWant.

Subaybayan ang masasayang adventure sa animated TV shows na “Peppa Pig,” kasama si Peppa at ang kanyang pamilya at kaibigan, “Monk,” tungkol sa isang masayahing asong paulit-ulit na bumabangon mula sa kamalasan, at “Max Steel,” tungkol sa isang batang gagamitin ang kapangyarihan para ipagtanggol ang kanilang bayan. Ilulunsad din ng iWant ang unang pambatang animated series nitong “Jet and the Pet Rangers” ngayong Abril 3.

Nasa iWant din ang mga programang kinalakihan at minahal ng mga Pinoy, gaya ng “Sine’skwela” na kaagapay ang mga manonood sa pagtuklas ng mga kumplikadong konsepto sa siyensya at teknolohiya, “Bayani” na ipinapakita kung paano ipinaglaban ng mga Pilipinong bayani ang bansa, at “Hiraya Manwari” na nagpapakita ng mga karakter na nagpapamalas ng mga mabuting asal.

Anuman ang edad, makakapulot naman ng mga bagong kaalaman sa barkada ng “Team Yey,” tampok ang 148 episodes na huhubog sa mga bata sa larangan ng musika, pagsasayaw, sining, laro at sports, kapaki-pakinabang na kasanayan, at kalusugan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nariyan din si Robi Domingo sa “MathDali” para tumulong na mahasa ang mga bata sa pagsagot ng iba’t ibang math problems gamit ang mga praktikal at epektibong paraan at pang-araw-araw na sitwasyon. Maaaliw rin ang mga bata sa “Pop Babies” sa nakakatuwang bersyon nila ng mga nursery rhyme.

Libre ang lahat ng ito sa iWant app (iOs and Android) o sa iwant.ph

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending