outbrain

Angel Locsin pagod lang kaya naapektuhan sa ‘live in’ issue: Pasensya na

By Reggee Bonoan April 01,2020
share this

Angel Locsin pagod lang kaya naapektuhan sa ‘live in’ issue: Pasensya na

By Reggee Bonoan April 01,2020
share this

NEIL ARCE AT ANGEL LOCSIN

ALL’S well that ends well between Bandera and the original Darna, Angel Locsin.

Ginising kami ng mensahe mula sa isang kaibigan na pinik-up daw ng isang blogsite ang sinulat namin dito tungkol kina Angel Locsin at Neil Arce.

Nag-react  kasi ang aktres dahil sa titulo ng aming kolum na “Magka-live in na ba sina Angel Locsin at Neil Arce?” na umani nga ng sobrang daming bash mula sa kanyang mga fans.  Pero kapansin-pansin namang patanong ang titulo namin gaya ng ilang nagtanong sa amin.

Tweet ni Angel, “Kaloka ‘yung headline n’yo.”

Na sinagot naman ng Bandera na:  “Ay sorry naman Miss Angel kung naloka ka. Pero ano ba ang real score?”

At sinagot naman ito ng aktres na “Di ba kayo nagre-research? Ikakasal kami. Magkapitbahay. Magkatabi ‘yung building sa iisang residential condo. Hindi ba binasa ng editor n’yo ‘yung sinulat bago nag-isip ng headline?”

Pasado alas-7  ng gabi nitong Marso 31 nabasa ng aktres ang artikulo na ipinadala raw sa kanya at dahil sobrang pagod at antok na antok na kaya ganu’n ang naging reaksyon niya.

Kaninang umaga, alas-10:30 a.m. ay tinext at humingi kami ng dispensa sa aktres.

Tumawag siya sa amin ng 11:42 a.m. at panay ang hingi niya ng sorry sa amin dahil hindi niya alam na kami ang nagsulat.

“Ate Regs, sobrang sorry, sorry talaga hindi ko alam na ikaw pala nagsulat, ang ganda ng article, ‘yung title, e…sobrang pagod na ako, tapos pinasa sa akin, so alam mo ‘yung reaksyon ko? Sorry po talaga. Of all people ikaw pa naganyan ko, sensya po talaga,” pahayag ng aktres sa kabilang linya.

Sabi ko, naiintindihan namin siya dahil nga sa sobrang pagod dahil nababasa namin ang mga mensahe sa kanya sa Instagram na Luzon, Visayas at Mindanao na ang humihingi ng tulong sa kanya.

Sabi pa sa amin ni Angel, “Ate, buburahin ko na lang ang tweet ko, sorry talaga.”

Kami na ang nagsabi na huwag dahil ayaw naman namin siyang masabihang walang paninindigan, okay na rin iyon dahil at least na-call ang atensyon namin.

Binanggit din namin sa kanya na kilala rin niya ang aming editor, “Pasensya po talaga, hindi ko alam,” sabi ulit ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending